Azkals lumagapak pababa sa FIFA rankings

azkals7

DAHIL hindi nakarating sa Finals sa Asean Football Federation Suzuki Cup 2012 ang Philippine Azkals ay lumagpak ito sa bagong FIFA rankings na inilabas kahapon.

Plakda sa 147th place ang Azkals kung saan ay galing sila sa 143rd noong Nobyembre. Naungusan sila ng Thailand na umakyat ng 16 na baitang tungo sa 136th puwesto sa world rankings.

Ang Bardados ang pumalit sa puwestong inupuan ng Pinoy national team na talagang nakaapekto sa rankings matapos kapusin sa nasabing sinalihang pinakamalaking kompetisyon sa Southeast Asia.

Hanggang semifinals lamang umabot ang mga Pinoy booters kung saan kinapos ito sa Singapore, 1-0, noong isang linggo.

Sa group stage ng torneo ay nabahag ang buntot ng Azkals sa unang salang laban sa Thailand, 2-1.

Nanalo ang Azkals sa Vietnam (1-0) at sa Myanmar (2-0) sa group stage bago mauwi sa 0-0 draw sa first leg ng semis laban sa Singapore.

Pinakamataas pa rin sa rehiyon ang Vietnam na nasa 131st seat mula sa pitong puntos na pag-angat kasunod ang Thailand at tumersera na ang Azkals.

Sa Asya ay nasa pang-22 ang mga Pinoy habang nananatiling leader ang Japan (world No. 22).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply