Azkals vs Lion sagpangan na!

KUKUHA ng tapang ang Philippine Azkals sa crowd at sa kanilang head-to-head match laban sa Singapore Lions sa magaganap na AFF Suzuki Cup semifinals ngayong gabi.

Ganumpaman, kahit liyamado ay hindi babale-walain ng Azkals ang Lions dahil ayon kay team manager Dan Palami ay maganda ang inilaro ng huli sa kanilang mga laban.

Dalawang beses sinagpang ng Azkals ang Lions ngayong taon.

Nagwagi ang Azkals sa unang friendly game nila noong Setyembre sa 2-0 resulta sa teritoryo ng Lions at may 1-0 tagumpay nang gawin ang part two ng friendly sa Cebu noong isang buwan.

Mamayang Alas-otso ng gabi ang kickoff kung saan ay ito ang kauna-unahang home game ng Azkals sa torneo sa 15,000-seater Rizal Memorial Football Field.

Pangalawang sunod na semifinals stint ng mga Pinoy booters sapul noong 2010 nang mabigo ang Azkals sa Indonesia.

Nabaon naman na sa limot ang dalawang naunang panalo ng Azkals sa Lions ayon kay Singapore coach Radojko Avramovic kaya dagdag nito na nakahanda sila sa pakikipagsipaan sa aniya’y pisikal maglarong host team.

Magsasama-sama naman ang mga manlalarong nakatulong para makapasok ang Azkals sa semis sa pangunguna nina Phil Younghusband, Chieffy Caligdong Angel Guirado, Dennis Cagara at goal keeper Ed Sacapano.

Samantala, balak ng buong team ng Azkals na i-donate ang parte ng kanilang bonus mula sa matagumpay na pagpasok sa semis sa mga nabiktima ng bagyong Pablo sa Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply