Babaeng tumalon mula sa hinoldap na bus sa EDSA, comatose pa

NANANATILING walang malay ang isang babae na nabagot ang ulo nang tumalon matapos holdapin ang mga pasahero ng isang bus sa EDSA.

Ang hindi pa kilalang babae ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital na sinasabing nasa state of comatose.

Ayon kay PO3 Al Ponterada ng Quezon City Police, may posibilidad na natakot sa mga holdaper ang biktima kaya nagdesisyon itong tumalon mula sa sinasakyang Alro Trans bus kaninang umaga.

Batay sa nakalap na impormasyon, nagdeklara ng holdap ang anim na holdaper na armado ng baril at patalim kaya natakot umano ang biktima at tumalon ito mula sa bus na may biyaheng Letre-Malabon

Nanawagan ang mga awtoridad sa kaanak ng babae na nakasuot ng bulaklaking leggings, itim na polo at nakapailalim na green t-shirt.

Ayon sa ulat ang di pa kilalang babae ay may dalang bayong kaya hinihinalang mamamalengke lang ito sa Balintawak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply