Babaero at kotong cops

lily's-files-lily-reyes

BIBIGYANG daang muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text message at mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang salita.

GUSTO ko lang po sanang mag-react doon sa column ng Lily’s Files noong Martes tungkol sa pagbabawal na mambabae at kumuha ng kabit  ang mga pulis. Maganda po ang layunin ng ating PNP chief, pero kaya po kaya niya itong ipatupad? At kung sakaling maipatupad niya ito nang maayos, eh, baka wala pang 10 pulis ang matira rito sa NCR dahil sa aking palagay, wala namang pulis na walang babae, eh.

Sa tingin n’yo po kaya, Lily’s Files, walang ibang babae itong si Gen Purisima, bukod sa kanyang asawa? Eh sino po ba iyong “Pat” na tina-tanong sa kanya, babae po ba ‘yun o lalaki?

GOOD day Lily’s Files, nakatatawa naman itong mga traffic enforcer ng Manila City Hall. ‘Yung ibang lugar wala kang makitang traffic enforcer samantalang kahit saan ka tumingin sa paligid ng Manila City Hall ay may naka-uniporme ng dilaw.

Pero ang nakapagtataka, ang mga traffic enforcer dito ay mga nakatayo lang sa ilalim ng LRT o kaya sa ilalim ng punong kahoy, tuloy grabe ang trapik sa pagitan ng SM at  city hall.

Sabagay hindi na ito mapapansin ni Manila Mayor Alfredo Lim sa ngayon dahil busy na ito sa pangangampanya niya.

Merry Christmas, Lily’s Files. Police assigned at NCRPO, Tony Villacorta, is now collecting tong from gambling den and pirated  DVDs using the office of Intelligence Group–PNP.

Does the Director of the said office know this? Amounting to P400 thousand more or less at NCR alone.

Belated happy birthday nga pala noong Dec. 20 kay Rolly@2000 ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD). Bakit wala yatang blowout?

MERRY CHRISTMAS PO SA INYONG LAHAT;  FROM REMATE AND LILY’S FILES.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 09087230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply