Baby tangkang itakas ng dalagita sa Parañaque

posas

SA tulong ng isang mapagmatyag na midwife sa Quezon City, napigilan ang tangkang pagtangay ng isang dalagita sa isang sanggol sa Parañaque City kaninang umaga.

Nasa kostudiya na ng Quezon City Police District (QCPD) Police at isinasailalim sa interogasyon ang 15-anyos na suspek na sadyang hindi pinangalanan.

Sa ulat ng QCPD, nakuwelyuhan ang suspek alas-8:30 ng umaga sa loob ng isanq Nova bus habang tumatakbo sa kahabaan ng Efipanio delos Santos Avenue EDSA sa Q.C.

Bago ito, nahalata ng isang nagngangalang Imelda Tabora, isang midwife na hindi malaman ng suspek kung paano patatahanin sa pag-iyak ang kanyang dalang sanggol.

“Iyak nang iyak ang baby, walang tigil sa pag-iyak. Sabi namin padedehin. Walang dalang gatas. Tinanong ko siya kung kanya ang baby sabi niya hindi kanya, anak daw ng tiyahin, magkikita sila sa Sapang Palay. Sabi ko ilang taon ka na, sabi niya 15. Bilang nanay alam ko sa age niya hindi dapat pagkatiwalaan,” pahayag ni Tabora.

Tinangka aniyang bumaba ng suspek sa sinasakyang pampasaherong bus na nanggaling sa Parañaque at papuntang Q.C. pero hindi ito pinayagan ni Tabora at ituloy lang ang pagtakbo at parahin ang magdadaang QC mobile patrol para sa kaukulang disposisyon.

Tiyempo naman na may napadaan na police patrol car kaya pinara ito ng tsuper at konduktor ng bus at sinabi sa mga sakay na pulis ang sitwasyon.

Sa ikinasang pagtatanong sa iba pang istasyon ng pulisya sa Metro Manila, napag-alaman na  nawawala ang anak ng isang 23 anyos na nanay na taga Tambo, Paranaque City noong pang Miyerkules ng gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply