Bagets tinodas dahil sa komento sa FB

bangkay-4

TODAS ang isang binatilyo makaraang bugbugin dahil sa komento nito sa social networking site na Facebook sa Misamis Oriental.

Nabatid na noong Nobyembre 16 pa nang bugbugin ang biktimang si John Francis Bagaporo, 13, ng suspek na si alyas “Ariong Carriaga”, 18, sa El Salvador City, Misamis Oriental.

Nag-ugat ang pambubugbog nang hindi nagustuhan ng suspek ang komento ng biktima sa Facebook kung saan ayon sa kuwento ng ina, tanging “wew” lang naman ang sinulat ng kanyang anak sa FB wall ng kaklase nitong babae na kasintahan naman ng suspek.

Ayon pa sa ina, dalawang linggong hindi nakapasok sa paaralan si Bagaporo dahil sa pagkahilo at kahirapan sa paglalakad.

Nabatid na nagsuka ito at nilagnat dahil sa mga tinamong bugbog sa katawan at ang bumarang dugo sa likurang bahagi ng nag-crack niyang bungo ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Tinutugis na ng Misamis Police ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply