Bagong AFP Modernization Act, napapanahon – PNoy

NAPAPANAHON at makabuluhan ang paglagda sa New AFP Modernization Act .

Sa talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III sa Ceremonial Signing ng bagong AFP Modernization Act sa Rizal Ceremonial Hall, Malakanyang ay sinabi nito na tiyakin na habang umuusad ang bansa sa mas modernong panahon ay hindi napag-iiwanan sa uri ng gamit at armas, at nakakasabay sa antas ng kasanayan ang Sandatahang Lakas.

Sinabi pa rin nya na magbibigay-daan ito sa pagbili ng mga makabagong armas sa harap ng mga bagong banta sa seguridad.

“Hudyat ito sa pagbubukas ng mas moderno, mas matatag, at mas mapapagkatiwalaang kabanata sa kasaysayan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Humahakbang tayo pasulong tungo sa isang pambansang tanggulan na may tunay na kakayahan na protektahan ang sambayanan laban sa anumang banta sa ating soberenya’t kaligtasan. Patunay din ito sa dedikasyon ng pamahalaan na itaguyod ang kapakanan ng bawat Pilipinong bumubuo ng Sandatahang Lakas. Ang atin pong bukambibig: hindi natin kailanman hahayaang maagrabyado ang mga kawal nating mag-alay ng dugo’t pawis para ilayo sa kapahamakan ang mga Pilipino. Kung kayo man ay nagsasaayos ng santambak na papeles sa Camp Aguinaldo; nasa kalagitnaan man kayo ng relief operation sa Compostela Valley, o nakadestino man kayo sa isang liblib na kampo sa Luzon, para sa inyong mga kawal na Pilipino ang New AFP Modernization Act,” anito.

Ayon sa Pangulo, maliban sa terorismo, umiigting din ang tensyon sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ang nasabing batas din daw ay katiyakan para hindi maagrabiyado ang mga sundalo na tutok sa pagbabantay ng seguridad sa bansa.

Nakapaloob din dito na mabibigyan ng P75 billion ang AFP para mapalakas ang kakayahan partikular sa external at internal defense program.

Gagamitin ang pondo sa loob ng limang taon lalo na pambili ng ilang bagong helicopters ng Phil. Air Force (PAF), bagong barko ng Navy at tangke para sa Army.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply