Bagong ‘peoples’ market, binuksan sa Bulacan

PORMAL nang binuksan ang isa sa pinaka-modernong ‘peoples’ market sa Bulacan.

Ang modernong pamilihang bayan ay inilagay sa panulukan ng Poblacion at Zamora sa Meycuayan, Bulacan na binubuo ng 380 na stall at 100 sa mga ito ang bumubuo sa wet section at 136 stalls naman ang nasa dry goods.

Maliban sa mga tindahan, mayroon din itong karinderia at malinis na palikuran para sa kapakanan ng mga mamimili.

Pinasinayaan ni dating Ambassador Antonio Cabangon-Chua ang pagbubukas ng modern peoples market.

Pangunahing pagdangal naman sina Meycuayan Mayor Joanne Alarilla, Vice Mayor Rafael Manzano at ang buong konseho.

Dumating din sa pagbubukas ng palengke sina Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando, Rep. Linabel Villarica, Rep. Roman Romulo at Coun. Shalani Soledad–Romulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply