Bagong PNP chief itinalaga ni Roxas

INANUNSIYO na ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pagkakatalaga kay Philippines National Police Deputy Director General Alan Purisima bilang bagong PNP Chief.

Ito ay matapos irekomenda ni Roxas si  Purisima kay Pangulong Benigno Aquino III  matapos ianunsiyo ni PNP Chief Nicanor Bartolome  ang maaga niyang pagreretiro kahit mayroon pa siyang nalalabing tatlong buwan pa para sa nakatakdang pagreretiro sa serbisyo.

“We thank General Bartolome for his statesmanship. As you all know, his term officially ends in March of next year. But knowing that March will be in the middle of the election period, he has voluntarily agreed to step down earlier so that this transition can happen with a full five or almost six months between the incoming PNP taking on the job and the coming elections,” ayon kay Roxas.

Ayon pa sa  DILG Chief, manatili aniya ang katatagan at pagkakaisa ng PNP at ang malinaw na  chain of command.

“May penalty ito personally sa kanyang (Bartolome’s) retirement kaya nagpapasalamat tayo sa kanyang pagiging bayani in this respect as well as his decades worth of service to our people and to the PNP,” dagdag pa ni Roxas.

Ayon kay Roxas itinakda ang formal turnover ng liderato ng PNP sa araw ng Martes sa susunod na linggo.

Ayon pa kay Roxas, napaaga aniya ang pagpapalit ng liderato ng PNP ay magiging kasiguruhan ng matahimik at maayos na mid-term election sa Mayo 2013.

Samantala, ipinangako naman ng bagong itatalagang hepe ng PNP na ipagpapatuloy niya ang mga programa ni Bartolome gaya ng reorganization at paglilinis  ng kanilang hanay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply