Bagong Taon na malungkot, ramdam ng mga nasunugan sa QC

ISANG  malungkot  na  pagsalubong  sa  Bagong  Taon ang kakaharapin ng may 20 pamilya matapos masunugan sa Aguilar Street, Barangay Bungad, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang mga biktima ay pawang residente ng dalawang hilerang apartment na tinupok ng apoy noong Martes dakong alas-5:27 ng madaling araw.

Bagama’t hindi nagtagal ang sunog, pito agad ang nasawi sa sunog  kabilang ang anim na miyembro ng Pamilya Filamor na nakatira sa unang unit ng apartment.

Nadamay din sa sunog ang dalawang kotse, isang motorsiklo at dalawang alagang aso.

Kabilang naman sa mga tinitignang anggulo ng arson investigator sa  sunog ang problema sa Christmas lights at sa circuit breaker.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply