Bagyo mananalasa sa susunod na linggo

NAGPAALALA ngayon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng pumasok ang bagyong Bopha sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Tatawagin itong bagyong Pablo sa oras na pumasok sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Fernando Cada, huling namataan ang Typhoon Bopha sa layong 1,710 kilometro silangan ng southern Mindanao na may bilis na 20 kilometers per hour (kph) sa direksyong pa-Kanluran.

Ani Cada, kahit tuloy na ang pagpasok ni Typhoon Bopha na magiging ika-16 na bagyo ngayong taon, wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Gayunman, posibleng unang maapektuhan ang silangang Visayas at hilagang Mindanao kaya dapat maghanda ang mga residente roon.

Mararamdaman sa mga naturang lugar ang Typhoon Bopha sa Miyerkules o Huwebes taglay ang heavy to intense rain.

Isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa ngayong buwan.

Ayon sa PAGASA, doble ang lakas ng bagyong Bopha kumpara sa bagyong Sendong.

Si Sendong ay may hanging umabot lamang ng 65 kph at gustinees na 80 kph samantalang si Pablo ay nagtataglay ng 130 kph na lakas ng hangin at bugsong aabot sa 150 kph.

Mas malakas din si Bopha sa bagyong Ondoy ngunit mas maliit ang sakop nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply