Bagyong Pablo nag-landfall sa Palawan

bagyong-pablo-dec5

TUMAMA na sa kalupaan ng Palawan ang Typhoon Pablo (Bopha) ngayong umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA).

Ang mata ng bagyo ay namataan sa layong 115 kilometro hilagang silangan ng Puerto Princesa City dakong alas-9:00 ng umaga.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na tatama ang bagyong Pablo sa kalupaan ng Palawan sa pagitan ng 7:00 at 9:00 ng umaga.

Habang isinusulat ang balitang ito, ang northern part ng Palawan ay nakararanas ng malakas na pagbuhos ng ulan, base sa pinakahuling imahe ng Project NOAH, habang ang kabuuan ng isla ay makararanas din ng malakas na pag-ulan.

Ang El Nido island, na nasa parteng northeast ng Puerto Princesa City, ay nakararanas ng mga pag-ulan ng tinatayang 4mm kada oras, ayon sa Climate X, isang DOST-related project.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply