Bagyong Pablo nakapasok na sa bansa; public signal storm, itinaas sa ilang lugar

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Pablo.

Sa kabila nito, bahagyang humina ang bagyo habang kumikilos sa direksyon na kanluran hilagang-kanluran.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 700 kilometro, timog
silangan ng bayan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA), ang bagyo ay may lakas ng hangin na sa 175
kilometro kada oras at pagbugso na aabot ng dalawandaan sampung
kilometro kada oras.

Kumikilos ang naturang sama ng panahon sa direksyon na kanluran
hilagang-kanluran sa bilis na dalawampu’t apat na kilometro bawat
oras.

Samantala, nakataas na ang public storm signal number 2 sa mga
lalawigan ng Surigao Del Sur at hilagang bahagi ng Davao Oriental.

Signal number 1 naman sa Siquijor, Bohol, Leyte, Southern Leyte,
Biliran, Eastern at Western Samar, Camotes Island sa Cebu, Surigao del
Norte kabilang ang Siargao Island, Dinagat Islands, Agusan del Norte
at Sur, Davao del Norte kabilang ang Samal Island at nalalabing
bahagi ng Davao Oriental, Compostela Valley, Bukidnon, Misamis
Oriental, Camiguin, Lanao del Norte at Sur.

Supendido na ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa mga
lugar na may nakataas na public storm signal.

Batay sa direktiba ng Philippine Coast Guard (PCG), bawal na ang
pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat patungo at paalis sa mga lugar na
may nakataas na storm signal bunsod ni Bagyong Pablo.

Kabilang sa mga naapektuhan ang biyahe ng St. Gregory the Great na
aalis sana mamayang alas-10:30 ng umaga patungong Cebu, St. Leo the
Great na aalis din sana bukas ng alas-11:59 ng gabi patungo ring Cebu
at ang St. John Paul II na biyahe ring Cebu bukas ng alas-8:00 ng
umaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply