Bagyong Pablo pumihit, 4 lalawigan sa Luzon nasa signal no. 1

INILAGAY ngayon sa signal number 1 ang apat na lalawigan sa kanlurang bahagi ng Luzon makaraang muling lumapit sa kalupaan ng Pilipinas at biglang pumihit pabalik ang dapat sana’y papalayo nang bagyong Pablo.

Base sa pahayag ng Pagasa forecasting center, inilagay sa signal number ngayon ang lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Zambales.

Ito ay dahil sa halip na lumayo, pumihit palapit sa kalupaan ng Luzon ang bagyo na namataan sa layong 320 kilometro sa hilagang kanluran ng Dagupan City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Asahang sa susunod na 24-oras ay makararanas ng pag-ulan sa  Western Luzon ang bagyong Pablo.

Kinumpirma ng Pagasa na matatagalan pa bago makalabas sa bansa ang si Pablo  makaraang mag-iba ito ng ruta at pumihit papuntang Luzon.

Inaasahan ding hindi na ito tatama sa kalupaan at didiretso na rin sa palabas ng West Philippine sea.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply