Baha, landslides ibinabala sa Kabikulan

PAGASA-DOST

BAGAMAT walang  bagyo, ibinabala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Bicol region at ilang lugar sa Visayas at Soccsksargen sa Mindanao.

Ito’y dahil sa anila’y tail-end of the cold front na nakaaapekto sa Bicol, at ang hanging Amihan na nakakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Makararanas ang Bicol, Soccsksargen at probinsiya ng Samar nang maulap na papawirin na may paminsan-minsang pagbuhos ng malalakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslides.

Ang Soccsksargen ay kinabibilangan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City.

Ayon pa sa PAGASA, makakaranas din ng mahinang mga pag-ulan ang Cagayan Valley at mga probinsiya ng Aurora at Quezon.

Makakaranas din ng panaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog pagkidlat at maulap na papawirin ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, may malakas na pagbugso ng hangin na may kasamang hangin amihan ang makaapekto sa mga baybayin ng Hilaga at Central Luzon at silangang baybayin ng southern Luzon at eastern Visayas, ayon pa sa PAGASA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply