Bahagyang pagsirit ng noche buena items, pinaboran ng DTI

MAKATUWIRAN umano ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga noche buena item ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay  DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, wala pa namang nakikitang problema sa ngayon sa pakonti-konting pagtaas sa presyo ng mga noche buena items sa mga pamilihan.

Sinabi ni Maglaya na pasok pa rin naman sa inilabas nilang Suggested Retail Price (SRP) ang ipinatutupad na taas-presyo ng mga negosyante sa kanilang mga produkto.

Kasabay nito, tiniyak din ni Maglaya na mayroong sapat na supply ng mga pangnoche buena at mga pangunahing bilihin kaya walang dahilan ang mga negosyante at manufacturers na magtaas ng sobra-sobra sa kanilang mga paninda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply