Bahay ng tserman sa CamSur, niratrat, 4 sugatan

SUGATAN sa pamamaril ang apat katao kabilang ang isang barangay captain nang ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang kanilang bahay sa Camarines Sur nitong Huwebes ng gabi (Disyembre 7).

Isinugod sa Bicol District Hospital sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang sina Barangay Chairman Angel Mendoza, ang asawa nitong si Helen, ang kanyang pamangkin na si Shirley at ang mister nito.

Wala pang ideya ang Bicol PNP kung sino ang nasa likod ng pamamaril pero may hinalang may kinalaman ito sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2013.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Huwebes ng gabi sa mismong bahay ni Mendoza sa Barangay San Pablo, sa Del Gallego town sa Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay may mga kalalakihan na dumating sa tapat ni Mendoza at hinahamon itong lumabas ng kanyang bahay.

Nang hindi sumunod si Mendoza, pinaulalan ng putok ng baril ng mga suspect ang bahay ng naturang tserman bago nagsitakas sa hindi malamang direksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply