Bahay ni Erap pinagbabato ng bulok na kamatis

PINAGBABATO ng bulok na kamatis ang bahay ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa Mangga St, Sta Mesa, Maynila, kaninang umaga.

Pinangunahan ang nasabing hakbang ng mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (Samana) sa isang lightning rally dakong alas-11 ng umaga.

Sinunog din ng grupo ang isang effigy ng jeep ni Erap kung saan naroon ang mga larawan nina Erap at San Juan City Congresman JV Ejercito.

Ayon kay Arnold Repique, lider ng grupong Samana at mga residente ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City, na hindi karapat-dapat na maging alkalde ng Maynila si Estrada.

Nabatid na kinondena ng grupo ang lokal na pamahalaang lungsod ng San Juan dahil sa pangha-harass umano ng mga awtoridad sa ilang kinatawan ng neighborhood association sa San Juan at bilang pagtutol din sa ginawang pagdakip sa 10 lider ng grupong Samana na itinapat pa mismo sa Human Rights Week.

Kusang loob namang idinisperse ng grupo ang kanilang hanay matapos ang aksiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply