Bahay ni ex-MTRCB chair Laguardia nilamon ng apoy

fire

TINATAYANG hindi kukulangin sa P8 milyon halaga ng mga ari–arian  ng  dating chairman ng Movie Television Review  and Classification Board (MTRCB) ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang kanyang bahay na ikinadamay ng bahay ng kanyang kapatid sa  Quezon City kaninang tanghali.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection – Quezon City Fire Department, bukod sa bungalow  ng  dating MTRCB Chairman na si Consoliza Laguardia, nasunog din  ang bahay ng kapatid  na si Jun  Perez pati ang katabing 3–door apartment  sa No.  25 Taurus  St., Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Lumilitaw  sa pagsisiyasat  ng arson prober ng BFP na  dakong ala- 1:30  ng hapon nang basta na lamang lumagablab ang apoy sa bahay ni Laguardia at nadamay ang bahay ng kapatid na si Jun Perez.

Mabilis din na nilamon ng apoy  ang katabing 3- door apartment na umabot  sa 3rd alarm.

Makaraan  ang  tatlong  oras ay naapula ang apoy  ng mga  rumespondeng mga pamatay sunog mula  sa iba’t  ibang bahagi  ng Metro Manila.

Wala namang namatay at nasugatan sa insidente.

Ayon kay Fire Marshall Sr. Supt. Bobby Baruelo, pinaimbestigahan  niya  ang naganap na  sunog  kung may naganap na  foulplay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply