Bakit sila takot sa FOI?

by the square

SA kabila ng kanyang pangako na susuportahan ang pagsasabatas ng Freedom of Information Act nuong halalang pampanguluhang 2010 ay tila malamig na yelo ngayon si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pagsusulong nito.

Nakalulungkot ang pangyayaring ito sapagkat kung ano man ang tinatamasa nating kalayaan ngayon ay nagmula sa pamumuhunan nuong panahon ng diktadurang Marcos ng mga media practitioners na kumilos upang maipaabot ang katotohanan sa bayan. Hindi inalintana ng mga ito ang panganib na hatid ng paghahanap ng katotohanan. Sa awa ng Diyos ay nagbunga ang kanilang mga sakripisyo sa pagkakapatalsik ng diktadura sa pamamagitan ng EDSA People’s Power Revolution.

Ang kalayaan sa impormasyon at ang kakayahan ng masa na maabot ito ay mahalaga kung ang demokrasya ay lalalim sa ating bayan. Hindi mabubuhay ang demokrasya at mawawala ang kalayaan kung sikil ang kakayahan ng bayan na alamin ang mga impormasyong may kaugnayan sa pamamalakad ng pamahalaan.

Kung gayon bakit atubili si Pangulong B.S. Aquino na suportahan ang FOI gayong maituturing natin na ang pagkakaluklok niya sa poder ay direktang bunga ng mga pagkilos ng mga responsableng mamamahayag para malaman ng bayan ang katotohanan?

Isa lamang ang aking nakikitang dahilan kung bakit. Takot si Pangulong B.S. Aquino at kanyang mga amuyong sa kongreso na malaman ng bayan kung paano nila pinatatakbo ang pamahalaan.

Pansinin na simala at sapul ang ang pagkakaroon ng puwang o akses sa impormasyon ay ekslusibong pribilehiyo ng mga mayayaman at maimpluwensyang pamilya tulad halimbawa ng mga pamil;yang Aquino at Cojuangco kung saan nagmula ang ating pangulo. Tila ayaw nilang mabawasan ang impluwensyang ito kaya hindi nila itinutulak ang pagsasabatas ng FOI.

Ano palagay ninyo?

* * *

KAHIT ano pa ang sabihin ng Philippine National Police ay mayroon pagtaas ng mga kakila-kilabot ng krimen sa Kalakhang Maynila. Nuong isang araw ay kabi-kabila ang patayan, nakawan, panggagahasa at pagpapasabog sa mga lansangan. Wala ng takot ang mga kriminal na parang naghahamon pa sa mga awtoridad na “hulihin ninyo kami kung kaya ninyo.”

Ang paglaganap ng krimen ay sintomas ito ng tumitinding kahirapan ng bayan.Walang presensya ng pulisya o iba pang kilos pananawata ang pipigil sa paglaganap ng krimen kung hirap ang bayan at walang nakikitang pag-asa. Solusyunan ang kahirapan at tiyak kong baba ang insidente ng mga krimen.

Samantala ay dapat maging mabalasik ang pulisya laban sa mga elementong kriminal. Alam na ninyo ang ibig kong sabihin.

* * *

PAGOD na raw ang mga opisyales ng Kyusee sa pagbibigay pabor sa ilang mga mamamahayag na ikot ng ikot sa kanilang tanggapan lalo ng kung Biyernes. Paki-usap nila ay hindi sa lahat ng panahon ay may itutulong sila. Natatakot sila na baka kapag hindi napagbigyan ang mga umiikot ay imbentuhan sila ng isyu.

Hmmmmm Totoo kaya ang hinaing nilang ito?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

* * *

Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply