Balakang ng kelot pisak, internal organs lumuwa sa sagasa

SINAMPAHAN na ng kasong murder ang driver ng trailer truck matapos sagasaan ang sakay ng mountain bike na kanyang nakaaway sa trapiko sa Iloilo City.

Kinilala ang suspek na si Robert Suelo ng Brgy. Mantulang, Passi City, Iloilo, habang ang biktima ay si Francis Ronald Alipuon, 30, ng San Isidro, Lapaz, nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa Baldoza Terminal, sa Brgy. Ticud at Baldoza sa Lapaz, Iloilo City.

Nabatid na inamin ng driver na sinadya niyang sagasaan ang biktima matapos ang kanilang mainitang pagtatalo.

Una ang insidente, muntik nang masagasaan ng suspek ang biktima na noon ay nagba-bike na naging dahilan ng kanilang komprontasyon.

Nang akalang bubunot ng baril ang biktima ay tinuluyan siyang sagasaan ng driver na kanyang ikinamatay.

Sa awtopsiya, kitang nawasak ang balakang ng biktima at lumabas pa ang ilan sa kanyang internal organs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply