Balasahan sa PNP sinimulan na

PNP-HQ

SINIMULAN na ang unang batch ng balasahan sa ilang key positions ng pambansang pulisya batay sa ipinalabas na direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Allan Purisima.

Pormal nang itinalaga ni Purisima ang limang PNP officials sa kanilang bagong pwesto.

Kinabibilangan ito nina Police Director Cipriano Querol Jr. na dating PNP-Special Action Force Director at ngayo’y itinalagang Director for Intelligence, habang pumalit naman sa kanya si chief Supt. Carmelo Valmoria.

Itinalaga naman si Police Director Catalino Uy bilang Director for Personnel and Records Management; habang Director for Plans naman si chief Supt. Napoleon Estilles at bagong Regional Office 9 Director si chief Supt. Juanito Vaño.

Samantala, nakatakdang ianunsyo ang revamp sa hanay ng provincial police directors sa buong bansa bilang paghahanda na rin sa 2013 midterm elections.

“Those who will support positive change toward genuine police service shall be amply rewarded,” pahayag ni Purisima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply