Ballot boxes na ginamit sa protest ipinagamit sa Comelec

PINAGBIGYAN na ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang Commission on Elections (Comelec) na magamit ang ballot boxes na ginamit sa electoral protest ng noo’y vice presidential candidate na si Mar Roxas laban sa nanalong si Vice President Jejomar Binay noong May 2010 polls.

Sa 15-pahinang resolusyon, pinagbigyan ng PET ang Comelec na magamit ang 57,255 ballot boxes na ginamit sa protest.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, kailangang ilipat ng Comelec ang laman ng balota sa matitira pang 19,085 ballot boxes na nasa PET na tatawaging Committee Boxes.

Sumang-ayon din ang PET sa guidelines na isinuhestyon ng Comelec para sa retrieval ng ballot boxes at paglilipat ng mga balota.

Kasama rito ang pagbuo ng mga komite para sa bawat munisipalidad, imbentaryo ng bawat isang ballot box; pagkakaroon ng citizens’ arms sa panahon ng paglilipat; pag-seal ng lahat ng laman ng ballot boxes; ang  committee boxes ay dapat ikustodiya ng city/municipal treasurers; at ang mga wala nang lamang ballot boxes ay kokolektahin naman ng Provincial Election Supervisor at saka isusumite sa Comelec.

Una nang hiniling ng Comelec sa PET na magamit ang mga nasabing ballot boxes upang makatipid sila at mabawasan ang bilang ng kakailanganing bilhin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply