Ban sa paggamit ng paputok isusulong ng DoH

TULUYANG igigiit ng Department of Health (DOH) ang pagbabawal sa mga indibidwal na gumamit ng paputok.

Ito’y kung magpapatuloy ang pagdami ng bilang ng mga firecracker-related injuries ngayong holiday season.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, mula Disyembre 21 hanggang 26 ay nakapagtala na sila ng 72 fireworks-related injuries.

Sa nasabing bilang, 71 ang dahil sa fireworks at isa naman ang stray bullet incident.

Nilinaw naman ng DOH na ang naturang bilang ay mas mababa pa rin ng 33% kumpara sa naitalang 108 kaso (99 biktima ng fireworks, walong stray bullet at isang firecracker ingestion) sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Karamihan sa mga kasong naitala ay mula sa National Capital Region (20), Western Viasayas (12), at Cagayan Valley (6).

Nakapagtala naman ng tig-limang kaso ang CALABARZON, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Karamihan sa mga biktima o 86% ay mga lalaki, at ang mga biktima ay mula siyam na buwang gulang hanggang 58-taong gulang.

Ang 28 kaso o 39% ay mga bata na wala pang 10 taong gulang habang ang 59% ay mga aktibong user ng paputok at ang iba ay napadaan o nanonood lamang.

Ang majority o 73% ng mga biktima ay nagtamo ng blast injuries na hindi nangangailangan ng amputation o hindi naputulan ng bahagi ng katawan, 20% (14) ang nagtamo ng pinsala sa mata at 4% (3) ang nasabugan na may amputation o naputulan ng bahagi ng katawan.

Isang 60-taong gulang naman na babae na mula sa Cagayan de Oro City ang tinamaan ng stray bullet sa kanyang kaliwang balakang habang naghihintay ng pagdiriwang ng Noche Buena sa loob ng kanilang tahanan dakong 10:00 ng gabi.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ikinukonsidera ng DOH ang pagba-ban sa individual use ng fireworks/firecrackers at isinusulong nila ang pagkakaroon na lamang ng community display ng mga fireworks upang tuluyang mabawasan ang bilang ng mga biktima ng paputok.

Hinimok rin nito ang mga church leaders na himukin ang kanilang mga parishioners na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply