Ban sa paputok sa 3 barangay sa Makati epektibo pa rin

MAHIGPIT pa ring ipinatutupad ang “all-out ban” sa lahat ng uri ng paputok at maging pailaw sa tatlong barangay sa Makati City na tinamaan ng “gas leak” dalawang taon na ang nakalilipas.

Ito ay dahil sa patuloy pa rin na nakalalanghap ng gas sa ilang lugar sa Barangay Bangkal, Pio del Pilar at Magallanes na pinakamalalapit sa West Tower Condominium na unang natuklasan na nagkaroon ng gas leak sa tubong pag-aari at  pinatatakbo ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) noong Hulyo 2010.

“Since the problem of the oil leak has not been resolved with finality, the ban on firecrackers, pyrotechnics and similar explosive materials will continue to be strictly implemented in the three affected barangays,” ani Mayor  Jejomar Erwin Binay.

Tulad ng mga nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon, pinapayuhan ni Binay ang mga residente ng naturang tatlong barangay na sa halip na paputok at pailaw ay gumamit na lamang ng mga torotot, pagkalampag sa mga kaldero, kawali at pagbusina sa mga sasakyan.

Nananatili pa rin umano ang panganib na maaaring pagmulan ng pagsabog o sunog ang pagpapaputok ng mga residente dahil sa nasa hangin pa ang masamang kemikal na dulot ng oil leak.

Matatandaan na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Makati ang City Ordinance no. 2010-A-020 na nagpapataw ng multang P5,000 at anim na buwang pagkakulong sa bawat personalidad na mahuhuling gagamit ng paputok at magbebenta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply