Banana industry matatagalang makabangon dahil sa bagyong Pablo

UMABOT na sa P5.7 billion ang halaga ng saging na pang-export ang nasira sa pananalasa ng Bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.

Ang naturang halaga ay matapos tamaan ng bagyo ang tinatayang 14,000 ektarya ng sagingan.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Proseso Alcala, aabutin ng sampung buwan bago makabangon ang industriya ng pagsasaging sa bansa kaya naman gumagawa na sila ng paraan para hindi makomprimiso at mahabol ng Pilipinas ang pangakong export sa ibang bansa.

Ayon pa kay Alcala, bukod sa saging, pumangalawa rin sa pinakamatinding sinalanta ang niyog na may kabuuang P766 milyong halaga ng pinsala.

Habang mahigit P8 bilyon naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Pablo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply