Bangis ng Lions haharapin ng Azkals

NGAYON pa lang ay hinahasa na ng Philippine Azkals at Singapore Lions ang kanilang mga pangil upang paghandaan ang kanilang paghaharap sa Sabado sa semifinals ng AFF Suzuki Cup 2012 na gaganapin sa Rizal Memorial Football Stadium.

Inaasahang mas magiging mabalasik at mabangis ang Azkals dahil bukod sa teritoryo nila ang RMFS ay makakasipa sina Fil-Danish defender Dennis Cagara at Fil-Spanish Angel Guirado.

Parehong pinayagan ng kanilang Club teams sina Cagara at Guirado na maglaro sa Azkals.

Paniguradong iika-ikang papasok ng football field ang Lions kaya naman sasandalan ito ng Azkals para iwasiwas ang mga dayuhan.

Beripikadong hindi maglalaro sa Lions sina Chinese-born winger Shi Jiayi at midfielder Hariss Harun.

Bumalik sa Shanghai, China si Shi para sa isang family emergency.

Si Guirado ang isa sa mga nakapuntos ng manalo an gang Azkals kontra Myanmar sa group stage samantalang malaki ang magiging papel ni Cagara sa depensa ng Azkals.

Si Jerry Lucena lang ang absent sa lineup ng mga Pinoy booters dahil sa Dis. 8 pa mapapakawalan ng kanyang Danish club team na Esbjerg sa Danish Superliga.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply