Bangka tumaob sa Surigao del Norte, 5 nasagip

surigao-del-norte

NAILIGTAS ang may limang lalaki makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Corregidor sa Dapa, Surigao del Norte dahil pa rin sa hagupit ng bagyong Quinta.

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagkakaligtas sa mga biktimang sina Jan Consigna, 22; Niño Consigna, 20; Jose Cadenas, 18; Iyan Domingito, 18; at Winston Acad, 20; pawang mga taga Barangay 12.

Kaugnay nito, naitala rin ang isang landslide sa Barangay Kahupian sa Sogod, Southern Leyte kung saan hindi madaanan ang Kahupian-Sogod Road.

Una nang napaulat na tatlo na ang kumpirmadong patay sa Eastern Samar dahil sa naturang bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply