Bangkay na natagpuan sa Valenzuela, kinilalang taga-Meycuayan

bangkay

NAKILALA na ang bangkay ng lalaki na itinapon sa bakanteng lote sa Valenzuela City kung saan hinahanap na ang mga sinasabing suspek sa pagpatay sa una sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Kasimir Velez, 28, ng Genesis st., Sto. Niño, Meycauyan, Bulacan ng kanyang kapatid na si Ken.

Sa record ng mga pulis, dakong alas-8:30 ng umaga noong Dsiyembre 7, 2012 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa pagitan ng Maricopa Restaurant at Fatima University sa Maysan ng lungsod.

Nang mabalitaan ng mga kaanak ay nagpunta sa punenarya at positibong ito nga si Velez na nawawala pa noong Disyembre 2, 2012.

Kahapon ay lumutang si Allan Lumillid ng Maysan Road, Maysan at sinabing noong gabi ng Disyembre 4, 2012, papunta siya sa nasabing lugar upang maligo sa balon nang makita sina alyas Domeng; George at Marlon na may tinatabunan sa kanal kung saan nakita ang biktima na naagnas na.

Inaalam na ng mga pulis ang mga tunay na pangalan ng mga suspek upang imbestigahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply