Bangkay ng napatay na JI suicide bomber, iuuwi na sa Malaysia

IUUWI na sa Malaysia ang bangkay ng isang hinihinalang terror group member na napatay ng pulisya sa isang engkuwentro sa Davao City kamakailan lamang.

Sinabi ni Malaysian Home Minister Datuk Seri Hishammuddin Tun Hussein na umaasa siya na ang bangkay ni Mohd Noor Fikrie Abd Kahar, 26-anyos, ay maibabalik agad sa lalong madaling panahon sa kanilang bansa.

“Fikrie’s next-of-kin and several of our officers will go to Davao to arrange for the body to be brought back soon,” pahayag ni Hishammuddin,  sa ulat ng Malaysia’s state-run Bernama news agency nitong Lunes ng gabi.

Dumulog, aniya, ang pamilya ni Fikrie sa Malaysian government para maibalik ang bangkay nito sa kanilang bahay.

Inatasan na rin niya ang Malaysian police na ayusin ang labi ni Fikrie para maibalik ito agad sa kanyang bansa para maiburol.

Pinagbabaril ng pulisya si Fikrie nitong nakaraang Biyernes ng gabi kasunod ng isang engkuwentro sa Davao City. May dala itong improvised explosive device nang maganap ang insidente.

Sinabi ni Hishammuddin na si Fikrie, na tubong Malacca, ay napag-alaman na pumasok sa Mindanao nitong nakaraang Abril para magpaturong gumawa ng bomba.

Sa kabilang dako, naunawaan naman ng Malaysian government ang naturang insidente at sinabi na katungkulan na ipatupad ang peace at security sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply