Bangsamoro Framework Agreement pinadedeklarang unconstitutional sa SC

bangsamoro-framework-agreement

IPINADEDEKLARANG unconstitutional sa Korte Suprema ang nilagdaang Bangsamoro Framework Agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa 24-pahinang petisyon, kinuwestyon ni Atty. Ely Pamatong kung bakit sa Malaysia ginawa ang dayalogo para sa GPH-MILF peace talk.

Iginiit ni Pamatong na ang Malaysia ay hindi maituturing na neutral party dahil sa claim nito sa Sabah island, na inaangkin rin ng Pilipinas.

Naniniwala si Pamatong na mayroon ding sariling interes ang Malaysia sa pag-broker nito sa nasabing usapan sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at MILF.

Kabilang sa mga basehan ni Pamatong para sa pagpapawalang bisa sa framework agreement ay: halos magkapareho rin umano ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na nilagdaan ng GRP at MILF noong 2008 na una ng idineklarang unconstitutional ng SC; may mga  national interests na kinakailangan ng mas masusing diskusyon, mistula rin umano nitong kinansela ang Tripoli Agreement sa pagitan ng GRP, Moro National Liberation Front (MNLF), at Organization of Islamic Conference (OIC) at panghuli, dahil rito’y maoobliga ang pamahalaan na amyemdahan ang 1987 Constitution o magpasa ng kaukulang batas para rito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply