Bank deposit ni Pagadian City Mayor Samuel Co, nasa freeze order na

NAKALAGAY na sa freeze order ng Court of Appeals ang bank deposits ni Pagadian City Mayor Samuel Co na iniuugnay ngayon sa P12-billion Aman Futures Pyramiding Scam.

Ang freeze order ay isinailalim ng CA  makaraang katigan ng Appellate Court ang petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na isailalim sa nasabing freeze order ang bank deposits ni Co.

Ayon kay Julia Bacay-Abad ng AMLC legal services group inilabas ang freeze order noong nakaraang  Lunes, Disyembre 10.

Sakop ng freeze order ang 79- bank accounts ni Mayor Co at 29 naman sa kanyang may bahay na si Priscilla Ann.

Sinabi pa ni Abad na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang beripikasyon kung mayroon pang ibang bank deposits ang mag-asawang Co.

Una nang nagpalabas ng freeze order ang Court of Appeals sa accounts ng mga opisyal ng Aman Futures na pinalawig hanggang Hunyo ng susunod na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply