Barbeque stand sinuwag ng motorsiklo, 5 sugatan

emergency

LIMA ang sugatan kabilang ang dalawang matanda nang suwagin ng motorsiklong minamaneho ng isang lasing ang barbeque stand sa Laoag City, Linggo ng gabi.

Nabali ang kanang binti at tinahi ang sugat sa ulo ng biktimang si Francis Somera, binata, drayber ng motorsiklo at residente ng Barangay 23 Laoag City. Nahaharap ngayon si Somera sa kasong reckless imprudence resulting to 4 counts ng serious physical injuries at damage to property.

Isinugod sa Gov Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang mga sugatan na sina Jonalyn Corpuz, 34-anyos, may asawa; 1 buwan na sanggol; dalawang matanda na sina Remigia Mauricio, 53-anyos at Felicitas Corpuz, 63-anyos, kapwa residente ng Barangay Camanggan, Laoag City, sanhi ng tinamong kapansanan sa katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kagabi sa isang barbeque stand sa boundary ng Barangay 53, Riong at Barangay Camanggaan.

Sa imbestigasyon ng PNP Laoag, masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo na minaneho ni Somera at nang makarating ito sa kurbadang bahagi ng kalsada ay sinuwag nito ang mga taong nakaistambay sa nasabing barbecue stand.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ang driver ng motorsiklo ay nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply