Baron Geisler nanggulo sa TV network party ni MVP

baron-geisler

NASA sentro na naman ng kontrobersiya ang aktor na si Baron Geisler nang manggulo ito sa mismong party ng business tycoon na si Manuel V. Pangilinan para sa kanyang television network.

Tulad na inaasahan, naging sanhi ng komosyon ang pangugulo ni Baron nang makalaklak na ito ng maraming alak.

Una sa mga nakabanggaan ni Baron ay si IC Mendoza na binati ang character actor sa smoker’s area.

Ayon sa ulat tinanong ni Mendoza kung nagustuhan ni Baron ang kanyang damit pero ininsulto umano siya ni Geisler nang sinabing “cheap” hindi lang ang kanyang damit kundi maging siya.

Sa kanyang Twitter account, pinatamaan naman ni Mendoza si Geisler nang mag-post na kung uminon man ang aktor ay dapat huwag magpapatalo sa espiritu ng alak.

Bagama’t hindi naman siya galit kay Baron, dapat na balansehin ng kontrobersyal na aktor ang bisyo nito dahil nawawala ito sa sarili kapag nalalasing na.

Sunod namang nakasagutan ni Geisler ang kapwa aktor na si Edgar Allan Guzman.

Hindi raw nabati ni Guzman si Baron kaya’t pinaringgan ito ni Geisler na “respect seniority.”

Posible inakala ni Baron na magkasama sila ni Guzman sa bagong soap opera kaya nilinaw dito ng huli na hindi siya kasama sa cast.

Ayon sa manager ni Edgar Allan na si Noel Ferrer, nakakalungkot ang nangyari dahil nirerespeto pa naman ng kanyang alaga si Baron.

Ang TV host naman na si Divine Lee ay binastos din ni Geisler.

Sa halip na magbeso-beso lang nang magkita sa party ay bigla humarap si Baron na nakabuka na ang bibig kaya sinabihan ito ni Lee ng bastos.

Pero nasa likod lang nila si MVP kaya’t nagpigil ang dalaga.

Sinabi naman ni Lee na dapat sana ay iniiwasan na ni Baron na pumunta sa mga lugar lalo na kapag nakaiinom ito ng sobrang alak.

Bukod sa tatlo, ginulo rin ni Baron ang reporter ng nabanggit na TV station habang nagsasagawa ng live report.

Inagaw din ng aktor ang microphone at nagpanggap itong reporter.

Sa ngayon wala pang reaksyon ang kampo ni Baron sa panibagong kontrobersiya na ibinabato sa kanya.

Nitong nakaraang buwan lang ay inireklamo na si Geisler ng kanyang kapitbahay ng panggugulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply