Bartolome magreretiro na sa Dec. 18

nicanor-bartolome

KUMPIRMADONG magreretiro na si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome sa darating na Disyembre 18.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, gagawin ang nasabing turn-over ceremony kung saan uupo na rin ang bagong PNP chief.

Bago ang naturang pagkumpirma, matatandaang una nang hiniling ng Pangulo ang maagang pagreretiro ni Bartolome upang mabigyan ng pagkakataon na makaupo ang bagong hepe para mapaghandaan ang 2013 elections.

Malakas din ang balitang si PNP deputy Director General Alan Purisima ang papalit kay Bartolome na malapit kay Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply