Batang lalaki pinasakan ng compressor hose sa puwit, todas

PINOSASAN ng pulisya ang isang car wash boy sa alegasyon na sa galit ay napatay nito ang isang batang lalaki sa pamamagitan ng paglalagay ng hangin sa puwit nito gamit ang isang compressor hose sa Quezon City.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspect na si Jeffry Namoco, 21-anyos, residente ng Barangay Culiat, sa pagpatay sa biktimang  si Jevy Millanila, 4-anyos residente ng Barangay Maharlika.

Sinabi ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga, ng Quezon City Polkice District-Criminal  Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na ang reklamo laban kay Namoco ay base lamang sa imbestigasyon na nakuha lamang sa mas matandang kapatid ng biktima na si Resty, 8.

Nakita, aniya, ang biktima na nilalaro ang naturang air compressor hose na ginagamit para bombahan ang mga gulong sa Caltex station sa kanto ng Retiro at Kanlaon Streets sa Maharlika dakong alas 1:30 p.m. nitong nakaraang Huwebes . Sa dahilan ito, kaya marahil nagalit si Namoco, na nagtatrabaho bilang car wash boy, pahayag ni Zaldariagga.

Pinagtibay pa rin ito ni Resty, na nasa gasoline station din at sinabi na nakita niyang pinagalitan ni Namoco ang kanyang kapatid at pagtakatapos ay hinawakan nito ang hose at iginiya patungo sa biktima, pahayag pa ni Zaldarriaga.

Ilan sandali lamang, nakita ni Resty na bumagsak ang kanyang kapatid sa sementong sahig.

Isinugod naman agad ng mga magulang ang kanilang anak sa Sta. Teresita Hospital, pero makalipas ang 12 oras ay namatay din.

Habang hinihintay ang resulta ng awtopsya, sinabi ni Zaldarriaga na sa inisyal na  inbestigasyon, lumabas na ang bata ay namatay sanhi ng pagpasok ng hangin sa tiyan nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply