Bebot nasagasaan ng mga sasakyan, napugutan ng ulo

bangkay 2

HUMIWALAY ang ulo habang tumilapon ng ilang metro ang katawan ng isang babaeng sinasabing may diperensiya sa pag-iisip makaraang masagasaan ng mga sunud-sunod na sasakyan sa highway sa Barangay Maliaw, Pavia, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si Corazon Valle, ng Brgy. Pal-agon, Pavia, Iloilo.

Ayon sa nakasaksi na si Ali Hachero, bumaba ng motorsiklo ang biktima at nang tumawid ay nabundol ito ng isang pick up na nasundan pa ng isang kotse, isang L300 van, isang taxi at isa pang kotse.

Nabatid na natanggal ang ulo ni Corazon at tumilapon naman sa layong mahigit 100 metro ang katawan nito.

Sinasabing ang biktima ay may diperensiya sa utak at mag-isa lamang na namumuhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply