Bebot patay sa bundol sa Taytay

Rizal – Patay ang isang babae matapos mabundol ng rumaragasang close van habang tumatawid sa pedestrian lane kaninang madaling-araw sa Taytay.

Kinilala ni Taytay chief of Police P/Supt. Danilo Bacas ang biktima na si Janelyn Raymundo, 32, ng Gopiao Compound, Brgy. San Isidro, nasabing bayan.

Arestado naman ang driver/suspek na si Antonio Intacto, 64, ng  3238 Mabini St., Centennial II, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-5:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nabatid na tumatawid ang ginang sa pedestrian lane nang salpukin ng humahagibis na Isuzu close Van (CTM-468) na minamaneho ni Intacto.

Sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon ng ilang metro ang ginang na nagresulta sa grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Nagawa pang isugod ng Taytay Rescue Team ang biktima sa Taytay Emergency Hospital subalit hindi na rin umabot nang buhay.

Ayon sa driver, hindi niya napansin ang papatawid na ginang dahil sa medyo madilim sa nasabing lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply