Bela Padilla: ‘Matagal nang wala na sina Maxene Magalona at Neil Arce nang naging kami’

bela-padilla-3

‘DI NA nakuhang lumapit sa press ni Bella Padilla nang dumalaw kami sa set ng Magdalena dahil sunud-sunod ang kinukunang eksena sa kanya, bukod pa sa mabibigat lahat ang mga ito na kailangan ang total concentration. Kita naman sa character ni Bela ang hirap ng dinadala niya sa kanyang buhay sa istorya.

Nang nakasalubong namin si Bela patungong dressing room sa set ng Magdalena, nasabi niyang sobrang hirap ng character niya. Akala niya pagkatapos niyang makatakas sa casa na pinamamahalaan ni Ryan Eigenmann ay maluwag na ang character niya. ‘Di pala! Mas marami pang madramang tagpos sa istorya. Bukod sa hahanapin niya ang tunay niyang magulang, papatayin pa ang kanyang tunay na ina.

Dahil sa sunud-sunod na taping, siyempre may inspiration ngayon si Bela, ang kanyang boyfriend na si Neil Arce na rating boyfriend ni Maxene Magalona.

Ani Bela: “Naku, nang naging kami ni Neil, matagal na silang wala na ni Maxene.“

Wala namang pinagbabawal sa kanya ang kanyang boyfriend sa pagiging artista niya. Nauunawaan ni Neil ang kanyang trabaho kaya wala siyang problema kung daring na masasabi ang istorya ng Magdalena.

Katwiran ni Bela, kahit daring ang istorya ng soap, wala naman siyang ipinakitang maseselang parte ng katawan. Kahit sa sexy dancing niya sa stage ay balot na balot siya.

Sa istorya ngayon, designer na siya ng mga damit. Nakaahon na siya sa prostitution sa tulong ng lalaking may pagtatangi sa kanya na ginagampanan ni Pancho Magno.

000

GUSTO palang magka-baby ni Solenn Heussaff bago siya mag-30 years old. Pero gusto niya na typical Pinay na kasal muna bago ang baby kaya binibigyan niya ang sarili sa pagiging dalaga ng 2-3 years pa. Mag-e-enjoy pa siya sa period na ito sa pagtanggap ng iba’t ibang projects showbiz. Masaya siya sa pag-aartista niya pero tao lang siya na nagpaplano ng kanyang kinabukasan.

Kahit may Argentinian boyfriend siya na si Nico, hindi pa sure na kung ito na nga ang kakasamahin niya habambuhay. Katwiran niya’y hindi niya hawak ang kapalaran.

‘Di nga raw siya mahilig magsuot ng singsing na tanda ng pagmamahalan nila ni Nico. Palagay niya ang mga simbolismo ng pag-iibigan ay jinx kaya hindi siya masintimiyentong babae.

Tungkol sa pelikula nilang “D’ Kilabots The Pogi Brothers…Weh!”, nag-enjoy si Solenn na gawin ito dahil sa lagi silang masayang lahat sa set. Enjoy niyang kasama ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Siyempre, natuwa rin siya kina Pokwang, Paolo Ballesteros at Gina Pareno na kasama niya madalas sa mga eksena.

Maraming first na ginawa si Solenn sa D’ Kilabots. Una’y first comedy niya ito na kapartner niya ay si Jose. Pangalawa’y may eksena pa roon na naglambitin siya sa pasimano ng bahay para lang makita at makasama si Jose. Bukod pa sa may dalawang totoong kissing scenes sila nito.

Ani Solenn: “Trabaho lang lahat ito sa akin. Kahit ako mahirapan sa eksena o makipag-kissing scene, nasa script ito at kailangan sa istorya.“

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang D’ Kilabots The Pogi Brothers…Weh!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply