Belmonte umaasang agad mararatipikahan ang RH bill

TIWALA si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na mararatipikahan ng Kongreso ang ipinasang Reproductive Health (RH) bill ngayong linggo.

Sa isang press conference, sinabi ni Belmonte na sisimulan na ngayong hapon ang bicameral conference committee meeting para agad maplantsa ang mga gusot sa dalawang bersyon ng kontrobersyal na panukala.

Kabilang sa House contigent na sasabak sa Bicam ay sina Albay Rep. Edcel Lagman, Iloilo Rep Janette Garin, Deputy Speaker Erin Tañada, Akbayan Rep. Arlene Bag-ao, ACT  Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Paranaque Rep Roilo Golez, Western Samar Rep Mel Senen Sarmiento, Ifugao Rep Teddy Baguilat, Catanduanes  Rep. Cesar Sarmiento at House Minority Leader Danilo Suarez.

Malaki rin aniya ang posibilidad na agad na maikakasa ang Bicam Report dahil wala namang masyadong pinagkaiba ang mga bersyon ng Kamara at Senado upang agad aniya itong maratipikahan.

Samantala, inihayag din ni Belmonte na bukas (December 19) ay lalagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang 2013 General Appropriations Act at isusunod naman aniya ang Sin Tax bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply