Benepisyo ng 3 OFW sa oil rig blast, pinabibigay ng DOLE

NAIS ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz na kaagad nang mailabas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga benepisyo para sa tatlo sa siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng oil rig explosion sa Louisiana matapos na makarating sa Kalihim na nakabalik na sila ng bansa.

Kabilang sa mga naturang OFWs ay sina Nick de Guzman, Paulino Obenieta, at Jovito Canencia.

“Although they sustained only minor injuries and have been determined they can return to work, the agency requested their employer to send them home so they could recuperate. I instruct the OWWA, therefore, to release to them or their families the benefits due them,” ayon kay Baldoz.

Kaugnay nito, nabatid na ang medical examination at post-traumatic counseling ay sasagutin naman ng agency ng tatlong nasabing OFW.

Matatandaan na dalawang OFW ang namatay habang pito ang sugatan sa pagsabog sa oil rig sa Louisiana sa Gulf of Mexico.

Bilang mga OWWA members, kasama sa benepisyo ng mga nasa OFW ay ang disability and dismemberment benefit na aabot sa P100,000 para sa pinsalang tinamo habang nagtatrabaho sa oil rig.

Ang pamilya naman ng dalawang namatay na OFWs ay makakatanggap ng P200,000 bawat isa at burial benefit na P20,000.

Sakali namang ayaw ng bumalik ng 3 OFWs sa trabaho sa ibayong dagat at nais na lamang manatili sa bansa ay bibigyan sila ng OWWA ng tulong sa ilalim ng National Reintegration Program for OFWs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply