Benepisyo ng mga magsasaka, tiniyak ni PNoy sa pagsasabatas ng Sin Tax Bill

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi mababawasan ang benepisyo ng mga magsasaka ngayong 2013.

Ang kasiguruhan ay ipinahayag ng Pangulo matapos ganap nang maisabatas ang Sin Tax Bill na tatawagin na ngayong Sin Tax Reform Act.

Sinabi ng Pangulo na mas uunlad pa ang hanapbuhay ng mga kababayan nating magsasaka dahil naisabatas na Sin Tax bill.

Tiwala rin ang Pangulo na sa pamamagitan ng batas ay malilihis na sa bisyo ng sobrang paninigarilyo at pag-inom ng alak ang mga Pinoy.

Batay sa inaprubahang panukala sa Bicameral Conference Committee, target ng pamahalaan na makalikom ng P33.96 bilyon sa 2013 mula sa dagdag-buwis sa sigarilyo at alak.

Samantala, 80% ng kita sa Sin Tax ay inaasahang mapupunta sa universal health care, samantalang ang 20% ay sa health programs ng mga Local Government Unit (LGU) at congressional districts.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply