BFP naghigpit sa inspeksyon sa mga pabrika ng paputok sa Bulacan

NAGHIGPIT sa pag-iinspeksyon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa tatlong lugar sa Bulacan na kilalang nagbebenta ng iba’t ibang klase ng firecrackers.

Partikular na babantayan ng BFP ang mga lugar sa Bocaue, Santa Maria at Angat, ayon kay BFP Central Luzon director Chief Superintendent Ariel Barayuga.

Aalamin ng BFP kung ang mga tindahan ng mga paputok sa nabanggit na lugar ay sumusunod sa revised Fire Code.

Nakasaad sa batas na kailangang mayroong fire extinguishers at iba pang pamamaraan para masawata ang sunog sa kanilang establisimyento.

Dapat ring mahigpit na ipinagbabawal ang mga naninigarilyo malapit sa pagawaan ng mga paputok.

Samantala, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng Department of Health na huwag gumamit ng paputok ay marami pa rin ang tumatangkilik dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply