Biazon, ‘Boy Totoo’ ng Bureau of Customs

pakurot

KAHIT araw na ng kapanganakan ng Poong Hesus, hindi pinalampas ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang pagkakataon upang ipamalas sa mga iligal na negosyante na nagpupuslit ng mga produkto papasok at palabas ng bansa ang kanyang pagiging “Boy

Totoo” o pagiging tapat sa tanggapang kanyang pinaglilingkuran.

Kaya nga walang nakalusot na smuggler ngayong Kapaskuhan dahil sa pagpapatupad niya ng “tuwid na daan” sa dating pinakatiwaling tanggapan ng pamahalaan.

Sabihin pang marami ang nagtangka gamit ang iba’t ibang paraan tulad ng parcel subalit pawang nabigo sila.

Bunga nito, maayos ang kinitang buwis ngayong taon ng BoC dahil sa mahusay na pamamalakad ni Biazon sa Aduana.

Hindi tulad ng mga nakaraang pamunuan na pawang short ang kita ng BoC subalit puno naman ang bulsa ng mga opisyal at empleyado.

Hindi lang naman si Biazon na naging mabuting halimbawa sa mga tauhan ng customs ang dapat papurihan kundi maging ang ilang opisyal niya tulad nina Ret. Gen. Danilo Lim at Ret. Gen. Ogie Alino dahil kapwa katulong sila ni Biazon sa pagpapatupad ng mga panuntunan at patakaran sa kanilang tanggapan.

Dahil nga sa ipinamalas na galing sa pagpapatakbo ng BoC, inaasahang magiging mas malaki ang kikitaing buwis nito sa susunod na taon at siyempre sa kamay pa rin ni Biazon.

Tinitiyak na sa panahong iyon ay wala nang masyadong magpapalusot ng mga epektos dahil batid nilang wala itong puwang sa pamunuan ni Commissioner Biazon na kaagapay ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagtahak sa tuwid na landas.

Malamang na magkakaroon na ng epekto sa utak talangka ng mga smuggler na wala silang panama sa husay at galing ni Biazon lalo pa’t usaping pagpupuslit ang kanilang gagawin dahil lagi naman silang nabubutata sa anak ni dating Senador Pong Biazon.

Masasabing sulit ang pasuweldo ng gobyerno kay Comm. Biazon dahil hindi lamang 8 oras ang trabaho nito.

Makikita talagang nagtatrabaho ito upang ayusin at patinuin ang BoC at itulad sa kanya na pawang “Boy Totoo” ang mga ito.

Malaki ang buwis na kinita ng pamahalaan mula sa koleksyon ng BoC nang maging hepe si Biazon dahil nga sa pumapasok na sa kaban ng bayan ang pera sa halip na sa bulsa ng mga tiwali at mag-nanakaw na tauhan ng BoC.

Hindi na rin makaporma ang mga magnanakaw at mandurugas na smuggler kung kaya’t lahat ng kalakaran sa Aduana ay nagiging ligal na.

Hindi na puwede ang mga palusot dahil tiyak na magagalit si Biazon at hindi paliligtasin ang mga gumagawa ng kalokohan.

Dahil sa rami ng huli mula nang maupo bilang commissioner ng BoC si Biazon, mangilan-ngilan na lang ang inaasahang magpapalusot ng kanilang mga kargamento sa susunod na taon dahil batid nilang walang patawad ang astig ng Aduana.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply