Biazon ‘di pababayaan ang mga magsasaka

pakurot

BAGAMAN hindi kumandidato bilang senador upang ipaglaban ang mga mahihirap partikular ang mga magsasaka, hindi naman pababayaan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang mga ito lalo’t sangkot ang kanilang ikinabubuhay.

Patunay dito ang wala pa ring humpay na kampanya laban sa mga smuggler na walang sawa namang sinusubukan ang tatag at kakayahan ni Biazon at kanyang mga tauhan sa panghuhuli sa mga puslit na produkto lalo na ang agrikultural.

Noong Biyernes, muling nakasakote ng tatlong forty footer container van na naglalaman ng mga patatas at carrots na nagkakahalaga ng P7.5 milyon ang mga

tauhan ni Biazon na idineklarang mga gamit sa kusina.

Ang consignees ng dalawa sa tatlong van na naglalaman ng patatas ay ang Marbatan Enterprises at Green Medows Enterprises habang ang isang van na naglalaman ng carrots ay Rorumen Agricultural Products ang consignee na idineklarang fresh apples.

Tinangka ng mga negosyanteng may-ari ng nasabing mga kumpanya na iwasan ang Sanitary at Phyto Sanitary Import Clearance mula sa Bureau of Plants and Industry subalit hindi sila pinalusot ng BOC sapagkat pinag-aralan ng mga itong mabuti ang patakaran ng kanilang mga tanggapan at nakipag-ugnayan pa ang mga ito sa Department of Agriculture upang alamin kung anu-ano ang mga produktong hindi dapat palusutin na makaaapekto sa kabuhayan ng mga magsasakang Filipino.

Dahil may malasakit din si Biazon sa kalusugan ng mga kababayan, hindi nito papayagang maapektuhan ang

kalusugan ng mga consumer na makabibili ng mga palusot na produkto na hindi naman nasuri.

Upang patunayan na totohanan ang kampanya ng kanyang tanggapan, sasampahan ng kaso ang mga taong responsable at sangkot sa pagpupuslit ng mga kontrabando bukod pa sa nais maipaabot ni Biazon sa mga tiwaling negosyante na wala silang puwang sa “tuwid na daan” ni Pangulong Benigno Aquino III.

Best wishes to Quezon City Police District – Traffic Sector 4 commander Insp. Manny Laderas and his

girlfriend May as they tie knots this December 18, 2012. May you share love and respect till your last breath.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply