Biazon, mahal ng mga magsasaka

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

TIYAK na hindi mabibigo si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon sakaling hangarin nito na maupo sa Senado dahil malaki ang  posibilidad na suportado siya ng mga magsasaka at kanilang pamilya.

Bakit? Simple lang naman ang sagot sa simpleng katanungan. Ito ay dahil mahal niya ang mga magsasaka at mahihirap na mamamayan kung kaya’t bilang ganti ay hindi siya pababayaan ng mga ito sa kanyang laban sa halalan.

Kaya lang, mas ginusto ni Biazon na makapagsilbi sa mga mamamayan sa paraan nang pagpapalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa smugglers na sanhi ng kakulangang buwis na dapat makolekta ng pamahalaan.

Malaki ang pagmamahal ni Biazon sa mga magsasaka kung kaya’t hindi nito pinababayaan ang kabuhayan ng mga ito dahilan upang hindi palusutin ang mga puslit na gulay mula sa ibang bansa.

Batid ni Biazon na magiging malaki ang epekto ng mga palusot na gulay sa kabuhayan ng mga magsasaka kaya naman mahigpit ang kampanyang kanyang ipinatutupad sa Aduana.

Wala pa ring humpay ang kanilang panghuhuli sa mga kargamento ng smugglers na walang puknat na sumusubok sa kanilang kakayahan at tatag sa pagsunod sa “tuwid na daan.”

Noong Biyernes, muling nakasakote ng tatlong forty footer container van na naglalaman ng mga patatas at carrots na nagkakahalaga ng P7.5 milyon ang mga tauhan ni Biazon na idineklarang mga gamit sa kusina.

Ang consignees ng dalawa sa tatlong van na naglalaman ng patatas ay ang Marbatan Enterprises at Green Medows Enterprises habang ang isang van na naglalaman ng carrots ay Rorumen Agricultural Products ang consignee na idineklarang fresh apples.

Walang Sanitary at Phyto Sanitary Import Clearance mula sa Bureau of Plants and Industry ang consignees kung kaya’t kumpiskado ang mga produktong agricultural.

Patunay ang mga hakbang ni Biazon na malaki ang malasakit niya hindi lang sa mga magsasaka na apektado ang kabuhayan subalit maging sa consumers na posibleng malagay sa peligro ang kalusugan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply