Biazon ng BoC sigurista

pakurot

HINDI lang basta-basta hinahabol ng Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Ruffy Biazon ang smugglers na sumisira sa ekonomiya ng ating bansa kundi sinisiguro rin nito na hindi na mababalikan pa ang mga kargamento na kanilang nakumpiska.

Sinunog ng mga tauhan ng BoC sa First Link Container yard sa Manila Harbour Center sa Tondo, Maynila ang mga nakumpiskang smuggled peking ducks at pigeons na unang nasabat sa Port of Manila noong Oktubre.

Isa lang ang nais na mangyari ni Biazon — hindi na mababalikan pa ang mga kontrabandong nakumpiska. Segurista si Biazon. Nais niyang hindi na makalabas pa ng merkado  ang mga produktong malakas at gustong gusto ng mga tao ngayong Kapaskuhan.

Tama lang naman ang hakbang ni Biazon dahil sa paraang ito siya nakatitiyak na hindi na mabibili pa ang mga produktong ipinuslit sa bansa. Posible rin naman kasing makasama ito sa kalusugan ng mga bibili dahil sa matapos mabuksan at mabuking na smuggled good ay malaki ang posibilidad na pinasok ito ng mga mikrobyo.

Hindi lang naman ekonomiya ng bansa ang pinahahalagahan ni Biazon kundi maging ang kalusugan ng mga mamamayan. Hindi nga ba’t maging ang drug mules ay hindi na makalusot kay Biazon dahil kahit anong gawin ng mga ito na pagpupuslit at pandaraya ay nabubuking pa rin sila kaya naman kaso ang kanilang kinahaharap at himas ng rehas.

Ibig sabihin, malaki ang malasakit ni Biazon sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan at mamamayan dahil ayaw niyang kumalat pa ang droga na malaki ang epekto sa pag-iisip at katawan ng gumagamit nito.

Ano pa nga ba ang masasabi ng mamamayan kay Biazon kung hindi ang ituloy-tuloy lang niya ang kanyang nasimulan upang sa gayun ay mas lalong ganahan ang kanyang mga opisyal at tauhan na magtrabaho upang malinis mula sa katiwalian ang kanilang tanggapan.

Isang mainit na pagbati ng “Maligayang Kaarawan” kay Supt. Arnel H. Olivares, hepe ng personnel ng Quezon City Police District, na nagdiwang kahapon ng mahalagang araw sa kanyang buhay. Nawa’y patuloy ka pang biyayaan upang patuloy mong maipamahagi sa mga nangangailangan. Itong opisyal kasing ito ang lapitan ng karamihan, pulis o sibiliyan, sa oras ng pangangailangan. Pare, mabuhay ka. Tuloy-tuloy lang ang kabutihan sa ating puso at babaha lalo ang biyaya.

Isang maligayang kaarawan din kay Police Dir. Cipriano E. Querol Jr., hepe ng Special Action Force, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Disyembre 8.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply