Bicycle fun ride sa Marikina matagumpay

bicycle-fun-ride

MATAGUMPAY ang ika-16 anibersaryo ng pagiging lungsod o cityhood ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Marikina Bikeways Office na nagsagawa ng bicycle fun ride activity, Disyembre 9, sa SM City Marikina.

Layunin ng “Unang Pedal para sa Labing-Anim” 1st Marikina Cityhood Bicycle Fun Ride na mas maipakilala pa ang pamimisikleta sa  mga residente at maging  ang 66-kilometer interconnected bike lanes ng lungsod.

Nagtipon-tipon at nagpatala ang mga kalahok sa SM City Marikina at nagtapos sa Marikina Cityhood Park para sa isang maikling programa at paggagawad ng parangal sa mga nanalo.

Dinaanan ng nasabing fun ride ang ilang barangay sa lungsod tulad ng Barangay Kalumpang, Concepcion Dos, Marikina Heights, Concepcion Uno, Malanday, Sto. Niño, San Roque, at Sta. Elena.

“Ang 9.73 kilometrong ruta ng fun ride na ito sa lungsod ay nagtatampok sa pamimisikleta bilang isa sa pinakamainam na uri ng transportasyon, bagkus ay nakatutulong din sa mga kalahok upang masilayan ang ganda ng Marikina,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang mga kalahok ay binigyan ng libreng shirt ng “Unang Pedal para sa Labing-anim,” the 1st Marikina Cityhood Bicycle Fun Ride.

Tumanggap ng premyong PhP10, 000 ang may pinakamalaki o pinakamaraming delegasyon sa nasabing fun ride; sa ikalawang pinakamalaki ay PhP7,000; at sa ikatlo ay PhP5,000.

Ilan pa sa mga parangal na ibinigay ay ang mga sumusunod: Best Uniform (group)- PhP3,000; Most Unique Design Bike- PhP2,000; Sexiest Female Biker- PhP2,000; Oldest Male Biker- PhP1,000; Oldest Female Biker- PhP1,000; Youngest Male Biker-PhP1,000; and Youngest Female Biker- PhP1,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply