Bidding sa AES epuipment, binuksan ng Comelec

BINUKSAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang bidding para sa pagpapakalat ng Automated Election System (AES) Equipment at Paraphernalia na gagamitin sa mga rehiyong 9, 10, 11, 12, CARAGA, at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para sa midterm elections sa taong 2013.

Batay sa Invitation to Bid na ipinaskil ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa kanilang website, ang pondong inilaan sa kontrata ay aabot sa mahigit P748.2 milyon.

Nakasaad din sa naturang imbitasyon na ang mga interesadong bidder ay maaari nang bumili ng Bidding Documents sa halagang P75,000.

Anang Comelec-SBAC, ang Pre-Bid Conference ay itinakda sa Disyembre 7, 2012 sa ganap na 10:00 ng umaga sa Project Management Office Ground Floor, Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Manila habang ang Opening of Bids naman ay itinakda sa Enero 4, 2013 naman hanggang 10:00 ng umaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply