Bidding sa supply, delivery ng ballot boxes ipinagpaliban

ballot-boxes

INANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapaliban nang pagbubukas ng bidding para sa supply at delivery ng mga ballot box na gagamitin sa May 13, 2013 midterm elections.

Batay sa notice na inilabas ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) na pinamumunuan ni Atty. Helen Flores, nabatid na ang submission at opening ng bids na una ng itinakda sa Disyembre 21, 2012 ay kinansela muna bunsod ng ilang pagbabago.

Gayunman, hindi pa inianunsiyo ng Comelec-SBAC kung kailan ito muling isasagawa.

Magpapalabas na lamang muli ng anunsyo ang SBAC kung kailan itutuloy ang bidding para sa ballot boxes.

“Due to the technical complexity of this procurement project, specifically as to the nature of the Technical Specifications, the  SBAC deemed it to be in the best interest of the Commission on Elections to DEFER the December 21, 2012 Submission And Opening Of Bids For The Supply And Delivery Of Ballot  Boxes For The May 13, 2013 National And Local Elections (Reference No. SBAC 006–2012) UNTIL FURTHER NOTICE,” bahagi pa ng notice.

Una nang pinagbigyan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kahilingan ng Comelec na magamit ang 57,255 ballot boxes na ginamit sa electoral protest ng noo’y vice presidential candidate na si Mar Roxas laban sa nanalong si Vice President Jejomar Binay noong May 2010 polls.

Aabot naman sa P290.2 milyon ang inilaang pondo ng Comelec para sa mga ballot boxes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply